Pangako

Kaytagal kitang hinintay. Oo, ikaw.

Hindi naging madali ang ating pagtatagpo. Parehas tayong nagmahal ngunit sa kinasamaang palad ay nabigo.

Sinabi natin sa ating sarili na di na natin bubuksan ang ating puso sa isang nilalang na kaya tayong gawing pinakamasayang tao sa mundo, at pinakamalungot.

Mahal, sinasabi ko sayo na ngayong ika’y aking natagpuan, maaari mong asahan ang katapatan ko.

Hindi ko maipapangako na lagi tayong puno ng ngiti sa bawat araw na tayo’y magkasama; na walang bahid ng luha ang bawat segundo nating dalawa.

Hindi ako mangangako ng “kailanman” bagkus aking gagawin sa abot ng aking makakaya na panindigan ang ating napag-usapan; ang mga plano na tayo’y sabay na tatahak sa kanya-kanyang landas patungo sa ating pangarap.

Mahal, hahayaan kita na abutin ang iyong mga pangarap sabay ng pagtulak ko sa iyo upang makamit mo ang mga ito.

Asahan mong hahawakan ko ang iyong kamay, at hinding-hindi ko ito bibitawan.

Sa mga araw na mahirap ka nang mahalin, pipilitin ko pa rin na piliin na mahalin ka.

Sa mga pagkakataong tila’y nakakasawa na, gagawa ako ng paraan upang ito’y mabigyan ng lunas.

Lahat ito, alam kong kaya kong gawin, basta’t iparamdam mo na andyan ka.

Simple lang naman para sa akin ang isang relasyon, mahalin mo ako, sa hirap at ginhawa. Piliin mo ako kahit na hindi na ako kapili-pili.

Asahan mong hindi ako bibitaw.

Ngunit kung dumating na ang araw na ikaw na mismo ang gustong lumaya, at sa tingin ko’y iyon ang iyong ikasasaya.

Asahan mo mahal, palalayain kita.

Author: Katey

Hi, I'm Katey, a medical student, writer, teacher, and biologist. This is where I write the lessons that I've learned during my adventures. Hit follow to get my latest tips, life updates, and even poetry. If you want to live a life with passion and purpose then you have come to the right place. Keep on shining.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: